Talagang ganito na lang siguro ang Pinas...
Nakita ko kung paano sila maglakad sa gitna ng kamatayan sa kanilang lugar, puro basura, maduduming estero, mga sirang bahay, nagkalat na mga malnourish na batang kristyano at muslim na tila wala ng knibukasan para sa kanila sa nasabing komunidad.
Nakakalungkot talaga, na kung iisipin pag walang trabaho ang isang padre de familia sa lugar na iyon ay maaaring ito'y kumapit sa patalim at pagsimulan ng isa na namang pinoy na nawawala ang mabuting asal at ang makatwirang pamantayan ng pamumuhay bilang isang tao. At kung hindi pa ito masusugpo sa ama ng tahanan, ay maaari pa itong kalakhan ng musmos na anak na sa pagdating ng araw ay maaaring ganon muli.
Sa aking palagay ay mas marami ang mga tao ngayong naghihirap na nasa lungsod kaysa sa mga nasa ibabang kabayanan... dahil akala ng tao, ang lahat ng oportunidad ay nasa lungsod, at iyan sa isang malaking pagkakamaling pinaniniwalaan kaya sila lumilipat dito at nakikipagsiksikan sa maliit na komunidad.
Sana lamang, sa aming munting programang gagawin sa komunidad na ito ay makatulong kami upang maiayos namin ang kanilang pamumuhay at maipagpatuloy nila ito ng mahusay... sana lamang ngayong Pasko mabawasan ang mga sirang Pilipino. Sana sa pagdating ng panahon ay maging totoo ang mga sinabi ni rizal tungkol sa kabataan. Sana lang ay may magbago...
Sana lamang... sana lang... sana...
ar'o
No comments:
Post a Comment