Friday, January 11, 2008

BAKBAKAN SA RATINGS

Hindi ko alam kung bakit kailangang palalain ang issue na ito. Sa tingin ko lang, mga kasama... ang mga sangkot dito ay di na kailangang ipagsigawan na ganito-ganyan, iyun kasi-iyan kasi, mga tipong sisihan at batuhan ng mga walang kwenta sa mata ng viewer. Kung may naganap man na dayaan sa ratings, sana sa loob ng korte nila ito pag-usapan at hindi sa telebisyon. Napaka-impormal para sa akin ang pagegerahan ng dalawang estasyon sa mismong TV. Nakikigitgit sila sa issue ng bansa, what's the big deal kung pansinin natin ang mga ito??? E wala naman tayong mapapala, yayaman ba tayo pag sinuportahan natin ang isa kaysa sa isa? may txt promo ba kung sino ang mananalo sa kaso nila??? Kaya nakakainis pag pinapalabas nila ang mga sagutan nila sa patalastas, na sobrang walang kwenta !!!

Wala po akong kinakampihan sa dalawang TV station, lahat halos ng channel ay pinapanuodan ko kung may panahon ako. Pero sa aking pananaw ay di na dapat naglabas ang ABS-CBN ng mga balita ukol dito. Unang-una, kung dayaan sa rating ang issue at sila ang dehido, dapat ay nagsampa na sila agad ng kaso sa korte at di na muna pinadaan sa kanilang studio na ganito-ganyan--- sapagkat ayon na din sa kanila ay malakas ang kanilang ebidensya mula sa kanilang mga impormante, at hawak din nila ang salita DAW ni Maya Reforma ng AGB Nielsen na espisipikong sinabi DAW na kasangkot ang GMA sa dayaan. Ikalawa, nauna pa ang mga balita nila kaysa sa imbestigasyon... pinapatrolan ba talaga nila ang mga viewer nilang Pinoy o ang kanilang network na nadadaya DAW?

Sa panig naman ng GMA--- parang kawang-kawawa naman sila dahil napagbintangan sila na nandadaya, kesyo nakakarumi DAW sa kanilang iniingatang reputasyon at pangalan, at iba pang blah-blah-blah!!! OK lang naman pong alagaan nila ang reputasyon nang kanilang kompanya, ngunit huwag naman pong O.A., lalo na kung alam nilang wala silang masamang ginagawa ukol sa issue ng dayaan sa rating na yan! Di naman dahil doon ay mawawala na ang kanilang mga viewers, gusto lang nila sigurong masabi natin na nakikipaglaban sila "para sa mga kapuso"... (ewan ko lang po... pero parang pareho lang sila ng Kapamilya na ayaw mawala ang kanilang iniingatang investor na namumuhunan sa kanila...)[/I]

Nakakahiya naman pala kung ganun???

Kayo na ang humusga ukol dito... sari-sariling pananaw na lamang po yan, tungkol sa AGB Nielsen---sana sa susunod...ayusin nila ang pagkuha ng rate... :twisted:

At sa tatlong sangkot na to...

...AYUSIN NILA ANG BUHAY NILA!!!

ar'o

No comments: