Friday, January 11, 2008

NATIONAL I.D. ISSUE

Wala namang problema kung ipapatupad ito. Mas Ok kung mapapatupad ito, kasi mababawasan ang mga tinatawag kong "Waling-Waling" o Walang hiya ng Lipunan (as in ang kakapal ng mukha para gawin ang mga di dapat gawin o yung makakasama sa ibang tao na mga gawain! Alam nyo na yun!)

Sa National I.D. System... malalaman natin kung sino ang mga bangag at ang mga matinong mamamayan sa maikling sandali. Ngunit di natin maitatangging maaaring magkaron ng mga pasaway sa lipunan... mga nasa posisyong nais kontrolin ang mamamayan sa pamamagitan ng I.D. system na ire. Gayundin ang maaaring maging kaganapan bago ito maipatupad.

Sa aking palagay kapag ito ay naayunan nang ipatupad, ay walang lilipas ng araw na hindi natin maririnig ang issue tungkol sa pangungurakot... Maraming pera tayong ilalabas sa panukalang ito, kaya asahan na natin ang kokontrol nito ay maiuugnay sa mga anomalya tungkol dito.

Sa kabilang banda, nais ko talaga itong maipatupad dahil sa: unang-una, ito ay pangkalahatang pagkakakilanlan natin bilang mamamayan ng Pilipinas. Maaari itong gamitin sa mga ahensyang pinapasukan, para iisa na lang kung sakali ang ating I.D...di ba? Ikalawa, di na natin kailangang maghagilap ng mga I.D. na kakailanganin natin sa mga instutution na nangangailangan ng dalawa hanggang sandamakmak na I.D. para ma-confirm na legal na TAO tayo sa Pilipinas. Isa sa kapansin-pansing halimbawa ay sa bangko pag magbubukas ng account, kinakailangan ng 2 ID, di pa kabilang dito ang Postal ID kung minsan. At ang huli ay mababawasan na natin ang lumalalang krimen sa bansa at madaling mahuhuli ang mga may "hindi magagandang trabaho" (pinaganda ko lang ang term, sana na-gets nyo!)

Ito lamang po ang aking nababanaag ukol sa National ID System...



ar'o
ar'o

No comments: