Friday, December 14, 2007

Tribute For Someone...

...i'm still hoping...


Its amazing how God made the man, mas lalo naman nang hugutin n'ya si Eba sa tadyang ni Adan. I never thought that the word amazing will be mine... dahil si God, ay nagbigay ng di ko inaasahan sa buhay ko.

Everyone deserves a gift called Love... love that lives on me... love that is an amazing gift from Him. I cherish all the memories na masasaya at kahit malulungkot. Every minute that was a very special one, every seconds na tila ayoko nang mawala pa...

No one know's how happy i am when this amazing gift gave on me. She's my all.The only one na nagbigay sa akin ng maliwanag na salitang "I'll love you forever"
Minsan makulit...
moody...

tapos biglang magiging sweet. She's definitely my world na aking inikutan, iniikutan at iikutan...
nagkagalit na din kami...

nagkatampuhan...
di nag-usap for a whole day...

pero nagtatapos ang lahat ng gulo sa salitang "Sorry, tae ka kasi e!"... then trembled in an all out laughing.

Ang mga paboritong manggang kinilaw na may bagoong na sawsawan...
barbecue na laging sunug pero di pa rin luto...
burger na doble-doble ang patties...
at ang laging bukambibig na cotton candy na melon flavor...
One of a kind. Para sa akin she's the ultimate person na nakatagal at buong puso akong minahal... Sana nakilala n'yo s'ya ng maaga. Silent type na maingay ang dating ng pinaka astig na regalo sa akin ni GOd...
akalain mong after 3 years, 11 months at 11 days...

hanggang dito na lang...


The greatest... amazing gift na natanggap ko last 4 years ago...

sana ay matanggap ko ulit ang regalong ito...
... ngayong Pasko.

All i wish this Christmas is a simple gift. She is my amazement and my life for the past years.
my einjhel... i'm hoping for this gift...
...again.

Saturday, December 01, 2007

Ganito na ang Pinas

Talagang ganito na lang siguro ang Pinas...

Kanina sa aming NSTP sa baranggay San Vicente Siyudad ng Malolos Bulacan... paulit-ulit na sinasabi sa amin ng kagawad nila na hindi basta lungsod ibig sabihin ay may magandang mga establisyimento, magagarang bahay, malalaking daan, atbp na maganda sa paningin, dahil sa likod ng komunidad na ito ay may mas mahihirap pa tayong kababayan...

Nakita ko kung paano sila maglakad sa gitna ng kamatayan sa kanilang lugar, puro basura, maduduming estero, mga sirang bahay, nagkalat na mga malnourish na batang kristyano at muslim na tila wala ng knibukasan para sa kanila sa nasabing komunidad.

Nakakalungkot talaga, na kung iisipin pag walang trabaho ang isang padre de familia sa lugar na iyon ay maaaring ito'y kumapit sa patalim at pagsimulan ng isa na namang pinoy na nawawala ang mabuting asal at ang makatwirang pamantayan ng pamumuhay bilang isang tao. At kung hindi pa ito masusugpo sa ama ng tahanan, ay maaari pa itong kalakhan ng musmos na anak na sa pagdating ng araw ay maaaring ganon muli.

Sa aking palagay ay mas marami ang mga tao ngayong naghihirap na nasa lungsod kaysa sa mga nasa ibabang kabayanan... dahil akala ng tao, ang lahat ng oportunidad ay nasa lungsod, at iyan sa isang malaking pagkakamaling pinaniniwalaan kaya sila lumilipat dito at nakikipagsiksikan sa maliit na komunidad.

Sana lamang, sa aming munting programang gagawin sa komunidad na ito ay makatulong kami upang maiayos namin ang kanilang pamumuhay at maipagpatuloy nila ito ng mahusay... sana lamang ngayong Pasko mabawasan ang mga sirang Pilipino. Sana sa pagdating ng panahon ay maging totoo ang mga sinabi ni rizal tungkol sa kabataan. Sana lang ay may magbago...

Sana lamang... sana lang... sana...



ar'o