Saturday, October 03, 2009

Pangarap na Bituing Maningning

Sa wakas nakapagsulat din ako muli! Hirap talaga kapag nagkasabay-sabay na ang mga kailangang gawin. Masyadong marami ang naging priorities ko this past few weeks, at ang lahat ay halo-halo na kaya naging magulo talaga ang buhay ko. Itong araw na ito ay naisingit lang dahil ubos na ang pera ko, kaya sorry sa mga kasamahan ko sa advertising kung absent ako ngayon sa mga commitments ko sa grupo, babawi na lang ako.

Sa totoo lang pagod na ako, how I wish na maging madali na lang ang lahat ng ito. Naiinggit na nga ako sa iba na malayang nagagawa ang mga bagay na gustuhin nila ng madali lang. Siguro nahihirapan din sila, pero sa kalagayan ko, tiyak ko na mas hirap ako. Nangangarap ako ngayon na maging maayos na ang lahat. Mula sa bahay hanggang sa pag-aaral; sa lola't kapatid ko hanggang sa mga ka-grupo't kabarkada; sa bayarin sa advertising, thesis, graduation, hanggang sa mga bill ng kuryente at tubig; dito umiikot ang aking panahon... panahon ng mga problema. Kaya sa simpleng hiling ko sana ay matanaw ko ang konting pag-asa. Woojooo. Magku-kwento na ako.

Last August 21, natapos na ang isa sa mga pino-problema namin, ang shooting ng TV commercial ng aming produkto para sa advertising festival na sasalihan namin sa Manila. Naging maayos ang lahat, pati ang panahon ay nakisama sa amin. Salamat sa mga naging talents namin na buong pusong naki-cooperate at dumayo pa talaga sa location kahit malayo, gayundin sa aming production team na buong araw nag-iisip at kumikilos. Ang lahat ay naging smooth hanggang mag-pack up na. (Next time ko na lang iku-kwento ang buong story ng shooting namin.)

Kinagabihan, instead na sa loob ng bahay sa location namin kami matulog ng aking ad team, napagkasunduang sa open rooftop kami matulog... star gazing daw. Ako naman, kahit saan mo ako patulugin basta may kumot, unan at mahihigaan ay OK ako. Actually nagtayo pa kami ng tent ('yung tent na ginamit namin ng umakyat kami ng Sierra Madre) pero hindi din naman nagamit dahil sa open field talaga kami nahiga kung saan naglatag kami ng kumot. Lima kami at ako lang ang lalaki, (hindi naman nila ako pinagsamantalahan. LOL) kwentuhan, kantahan sa ilalim ng madilim na langit ang eksena namin habang lahat kami ay nakatitig sa kalawakan ng mga bituin. Halos 10 pm na din ng mga oras na 'yun ng unti-unting sumibad sa madilim na langit ang mga shooting star. Noong una ay parang namamalikmata lang ako. Everyone were wishing that time tuwing may dadaang shooting star. Manghang-mangha kami sa mga napapadaan sa aming harapan. Although sa iba't ibang direksyon lumilitaw ang mga star, tuloy lang sa kwentuhan habang bumubulong ng hiling.

Nasa ganoon kaming posisyon habang patuloy ang usapan namin sa kanya-kanyang love life, mga problema, at kung ano-ano pang meron sa buhay. Batuhan lang kami ng tanong tapos nagbibigayan ng payo. Keep safe ako sa mga oras na 'yun. Ewan ko ba kung bakit napaka-malihim ako when it comes sa mga bagay na personal. Pero sa totoo lang gustong-gusto ko ding mag-share kaso may pumipigil sa akin. Tinatantya ko kung ano ang mga magiging reaction ng mga kausap ko. Takot lang siguro ako ma-dissapoint sa mga gusto kong asahan. Kaya nga sa bituin ko na lang din binubulong ang mga gusto kong sabihin nang gabing iyon at inihihiling ng kasagutan kung maaari man.

I wish... I wish... I wish... gaano kaya katotoo ang mga katagang ito kapag ibinulong sa shooting star? Ang dami ding dumaan na shooting star ng gabing iyon at dala ng paniniwalang ito, hiling lang kami ng hiling. Isang mahabang shooting star ang dumaan sa aming harapan. Ito ang pinakamatagal at pinakamahabang shooting star na nakita ko sa buong buhay ko. Mga 11:45 na nang gabi 'yun. Pagkatapos naming sabay-sabay na mapabulalas sa aming nasaksihan, parang robot kaming nawalan ng baterya na hindi agad nakakilos. Ngunit saan kaya dadalin ng shooting star na ito ang mga hiling namin? Lalo na ang tangis ko? Walang nakakaalam. Basta ang alam ko, maniniwala ako sa kanya ngunit hindi aasa. Magkatotoo man o hindi ang mga hiling ko, ipagpapasalamat ko ang gabing iyon na naranasan ko, dahil minsan sa aking buhay, kahit hindi ko hiniling ay nakilala ko ang mga kumakaway na bituin.

No comments: