
Ang lahat ay humahantong sa katapusan, sa paglaho. Tuwing dumadating ang mga panahong tulad nito ay nauuntog tayo sa pangungulila na ating haharapin at pinagsusumikapang mairaos sa mga susunod na araw. Hindi natin madadamitan ang nawalang bahagi ng ating buhay kung nai-parte na natin ito sa ating puso sa bawat kapirasong oras na lumipas.
Hayaan ninyong isaad ko ang aking pangungulila sa munting kaibigang hindi naman tao at hindi din alagang hayop, pero naging bahagi ng araw-araw ko sa nakalipas na humigit kumulang dalawang taon.
Isang pagkawalang hindi inaasahan. Si P3, ang regalong cellphone sa akin ng aking tatay, tuluyan nang nawala noong September 4, 2009, habang ako'y nagmamadaling pumasok sa eskwela. Ito ang paglalahad ng pangungulila sa walang sawang WALA NAng salita. Isang pag-alaala. Heto ang simula:
1. Wala nang gigising sa akin. Si P3 ang alarm ko lagi. Ang cellphone kong ito ang mas madalas kong tanungin tungkol sa oras kaysa sa aking wrist watch na lagi din namang nakasuot.
2. Wala nang magbibigay ng liwanag. Hindi uso sa akin ng flash light hanggang may battery pa ang P3 ko. Mula sa aking paggising sa madaling araw hanggang pag-uwi ko sa gabi, siya ang tanglaw ko sa kadiliman ng aking paglalakad.
3. Wala nang magsasabi kung anong okasyon ang darating at kung ano ang mga naka schedule kong gawain. Wala na akong daily planner ngayon. Pati mga birthdays at celebration ay hindi ko na din maaalalang lubusan. Wala na kasi akong titignang kalendaryo na magbibigay ng mga impormasyon sa bawat araw ko.
4. Wala nang magpapaalala ng mga gusto kong gawin sa hinaharap. Lahat din ng balakin ko ay nasa calendar ko sa cellphone. Pati mga gusto kong sabihin sa isang tao ay nakasulat dito. Itong cellphone lang na ito ang dalian kong nasusulatan at nasasabihan ng kahit ano.
5. Wala na akong titignan sa ibabaw ng lamesa, computer, o hahanapin sa loob ng bahay, kasi tuluyan na siyang nawala.
6. Wala na din akong kakapkapin sa bulsa o titignan sa bag para lamang mamasdan siya.
7. Wala na akong magagamit na salamin kung nagugulo na ang ayos ng buhok ko dahil sa hangin. Nagagamit ko din kasi siyang mirror kadalasan lalo na kung may lakad ako.
8. Wala na akong makakantahan para mag record kung wala akong magawa kung minsan. Ang recorder n'ya rin ang ginagamit ko kung gusto kong maglabas ng mga gusto kong sabihin sa ibang tao. Kaya siya lagi ang tagapakinig ko sa halos lahat ng problema ko.
9. Wala nang magpapaalala sa akin oras-oras ng mga masasayang alaala sa mga picture. Lagi kong tinitignan kasi ang mga pix na naka-save sa cellphone ko.
10. Wala na akong mapapakinggang acoustic sa mga panahong gusto kong makinig. Kasama ng kanyang pagkawala ay ang 23 kong acoustic songs sa mp3 ko na nasa cellphone din.
11. Wala na pati ang logo at video na kinuha ko sa editing ng TVC namin. Fresh na fresh pa naman yun sa cellphone ko, at ingat na ingat ako ng hindi mabubura yun ninuman, kaya lang nawala kasama ni P3.
12. Wala nang mangungulit na vibration kapag nagko-computer ako at may biglang magtetext. Abala sa akin yun kung tutuusin, pero kahit kailan ay hindi ko pa din inaalis sa tabi ng pc ang cellphone ko kahit na alam kong masisira ang pc kapag ganun.
13. Wala na din akong mapaglilibangang games. Sa application madalas kong laruin ang mga games na Easter Bunny at Carrot Rabbit lalo na at nagpapaantok ako. Minsan nga kahit na antok na antok na talaga ako ay hindi ko pa din ito tinitigilan hangga't di pa ako highest sa score.
14. Wala na akong titignang mga recieved calls at missed calls. Natutuwa ako pag nakikita kong halos araw-araw ay may tawag o missed call ako. Kababawan ko yun. Kaya kung minsan ayokong ii-insert ng ibang tao ang sim nila sa cellphone ko kasi baka mabura ang mga call records na nasa P3 ko.
15. Wala nang internet talaga akong maaasahan. Wala na ngang connection ang pc ko, nawala pa ang cp ko. Kapag kasi globe sim ang naka insert sa cp ko ay nakakapag browse ako sa net at nakakalibre ng chat sa parents ko, pero mas lalong hindi ko na magagawa yun ngayon.
16. Wala na akong pagkakaabalahang phonebook. Natutuwa kasi ako sa phonebook ko. Pag wala akong magawa, pinaglalaruan ko ang mga itsura ng mga may-ari ng number batay sa kanilang mood that day. Para pag tinawagan nila ako sa cellphone ko at nakita ko ang pic nila, alam ko kung paano ko sila kakausapin.
17. Wala na akong kakalikuting mga wallpaper, design, color, etc. Nangungulila ako sa iba't ibang kulay na number na lumalabas sa screen ng cellphone ko. Pati na din sa mga style na binabatay ko sa mood ko.
18. Wala nang madaliang picture. Kahit na medyo lumabo na ang camera ng cellphone kong iyon, dahil sa isang aksidenteng naganap noon, ay hindi ko pa din siya ipagpapalit. Kahit na ang i-swap pa ay mas malinaw ang camera at mataas ang memory. Pero wala na talaga. Wala nang picture at video akong makukuhanan ng mabilisan.
19. Wala nang makakasama ang naiwang charger sa akin. Tanging charger na lang ang naiwan sa akin. Wala na din naman akong icha-charge kaya itatago ko na lang ito. Hindi na ako mag-aatubili na mag charge ngayon, pero nakakalungkot naman na hindi na madadampian ng charger ang cellphone ko at ang sucket ng kuryente.
20. Wala na akong mababasang mga GM. Kadalasan puro gm ng mga nasa phonebook ko na classmate ng kapatid ko ang nare-recieved ko kahit na madaling araw na.
21. Wala na akong makikitang mga quotes. Hindi ko na pala maipagpapatuloy ang pagsusulat ko sa pang pitong notebook ko ng mga quotes galing sa mga kaibigan at kabarkada.
22. Wala nang tatawag sa akin every saturday at hindi na din ako maite text galing ng abroad. Pansamantalang wala munang daily text sa mga magulang ko, pati weekend call nila sa cp ko ay magiging call na sa telephone sa bahay.
At ang huli...
23. Wala na akong ka-BUDDY. Isa lang hihilingin ko, ang mabalik ang Samsung SGH-P300 ko. Walang cellphone na tumagal sa akin higit sa kanya. At wala na din akong ibang gustong cellphone kundi siya o ang SGH-P400 na kapatid niya.
Sa huli, gusto kong sabihin, "Makaka-recover din ako," pero hindi sa paborito kong ka-buddy... si P3.
No comments:
Post a Comment