Saturday, September 05, 2009

Nami-Miss Na Kita...

Pambihira! Mina-malas nga naman! Actually ayokong maniwala na may sinuswerte at may minamalas sa mundo. Pero ang araw ng Biyernes kahapon... isang napakalaking kamalasang sumampal sa mukha ko ngayong September! Pakiramdam ko nawalan ako ng isang mahal sa buhay, isang malapit na kaibigan, isang kasama na parang namatay na lang bigla.

Ang cellphone ko. Nawawala. Ninakaw. Nadampot. Natangay ng kung sino man. In short... wala na talaga!!!

Parang wala akong kamalayan na may cellphone ako kahapon. Si Ar'o... pagod, puyat, lutang. Kung bakit kasi cellphone ko pa ang nawala! Maari naman na yung buong bag ko na lamang ang naglaho kahapon, atleast hindi ako ganitong nangungulila sa pagkawala ng aking pinakamamahal na cellphone. Wala na tuloy gigising sa akin sa kalagitnaan ng mahimbing kong tulog. Wala nang aagapay sa akin sa kadiliman ng gabi sa aming pathway pauwi sa bahay pag nalulubugan ako ng araw. Wala na din akong hahagilaping mga text pag may emergency sa school, sa bahay, sa barkada. Wala na! Wala na!

Isang malaking pagkakamali ang nagawa ko! Isang pagsisising hindi ko alam kung paano nangyari. Hamo na lamang ba ang masasabi ko matapos ang humigit kumulang dalawang taon naming pagsasama. Isang bangungot ito! Sana hindi na lamang ako nagmadali nung panahon na yun. Ayoko na ngang mag-sana kasi tapos na din naman. Pero moving on? Still unknown.

Mahirap din palang mag blog kung may kausap ka, at katabi mo pa. Haaaay... eleyn... naka!!!! Buti na lang napapangiti mo ako sa mga kwento mo.

Mabalik tayo sa pangungulila ko sa aking ceelllphonnne. (commercial lang yung kanina.) Masyado na maraming memories (as in alaala) ang nangyari sa amin ng SGH-P300 ko (yan ang name ng model nya!). Siya si P3 (yan naman ang name ko sa kanya.) Kadalasan, siya ang nakakausap ko sa lahat ng panahong kailangan ko ng makakausap. Kahit na alam kong isang bagay lamang siya ay nagpapakabaliw ako para lamang makapaglabas ng sama ng loob. Hindi naman kasi ako ganung ka-vocal sa mga nangyayari sa aking buhay, not until nag blog ako (pero hindi pa din ako vocal. Naging open lang ako ngayon about my life). Si P3 lang madalas ko ding kasama...mali pala... kasama pala all the time. Walang minuto na hindi ko siya isasama sa mga lakaran. Kung maiwan ko man siya ay dali dali kong binabalikan. Kahit na napakalayo ko na at malapit na ako sa destinasyon ko ay babalikan ko pa din ang cellphone ko. At ngayon ay wala na akong babalikan.

Naalala ko tuloy ang mga schedule ko na nasa calendar ko, wala na akong masasanggunian. Ang mga birthday na naroon din ay di ko na din makukuhang tandaan para mabati kung sino man iyon. Pati na din mga gastos ko sa bawat araw ay di ko na makukuhang tignan kung gano ako kagastos sa bawat araw na ako'y nabubuhay! Isang pitik, isang saltik, at lumao'y nawala nang bigla ang aking pananabik na makita ang kalendaryong nakabitin sa aming tahanan. Masalimuot na alaala kasi ang makikita ko sa bawat petsa.

Ang 23 kong kanta sa mp3 ko ay hindi ko na muling maririnig. Ang mga bahagi ng buhay ko sa mga pix ko ay nawala na ring parang bula. Maski ang video ng aming TVC ay naroroon din! Pero di bale ang mga ito, kasi hindi din naman nila mabubuksan ang mga ito kasi'y may password.

Sa sama ng loob ko ngayon at dahil na din sa mga alaala ko sa cellphone ko ay di ko na makuhang tignan ang oras ngayon. Mukhang gabi na at nagugutom na ako. Tiyaka ko na ikukwento ang iba pa. Hindi pa dito natatapos ang aking pagsusuka ng lahat ng dapat kong isuka mula sa kaloobang kong puno ng sakit. Isang cellphone ang nawala ngunit di ko na kayaning hindi alalahanin ang aming pinagsamahan. Paano pa kung ikaw ang lumisan?

Eleyn, tayo'y kumain muna. Hindi ako emo para magpakagutom. Mahal ko din ang sarili ko! RIP p3!

No comments: